![[personal profile]](https://www.dreamwidth.org/img/silk/identity/user.png)
geez, this word count won't even make nano.
...
who cares :D
this is incomplete. i hope to continue the chapter later, but things are really busy right now.
just really wanted to post something just to prove the old brain still works! in tagalog. even if it's not running very well in this setting.
i resolve to write this in taglish, as i did with the hiatus-ed cyber kids novel. NO ONE CAN STOP ME.
***
"Final interview" ang tawag sa nangyayari... pero alam ni Abe na pormalidad na lang iyon.
Ang totoo ay tanggap na siya.
Pangalawang balik na niya ito sa Japan... by private jet, no less. Noong una, sa kanyang "initial interview," sa Tokyo siya dinala, sa mga opisina ng JAXA sa Choufu Prefecture.
Wala siyang masyadong oras para maglagalag noon, dahil sa loob ng limang araw na itinagal niya sa Japan, pinagod siya ng pabalik-balik na pakikipag-usap at parang walang katapusan na negotiations sa mga tauhan ng JAXA.
Maraming naging tanong ang mga researchers sa Choufu: Sigurado ba silang exclusive ang rights nila sa mga matutuklasan ni Abe? Makapagde-deliver ba siya sa napagkasunduang panahon? Matagal na siyang freelancer - kaya ba niya ang istriktong corporate climate ng Japan? Masyadong malaki ang hinihingi niya...puwede ba niyang bawasan?
Iisa lang ang sinasabi ni Abe noon: tanggapin ninyo lahat ng hinihiling ko, o sa iba ako pupunta.
Nang pinatawag siya ulit, dalawang linggo lang ang nakakaraan, alam na niya kung bakit.
***
Ito, sa Tsukuba Space Center sa Ibaraki Prefecture mismo, na tinatawag ding TKSC, ay ang lugar kung saan siya inaasahang magtatrabaho.
Kung ipatatawag siya rito, alam ni Abe na tapos na ang negotiations. Tapos na ang usap-usapan.
Huwag kang ma-ere, atubilin ni Eli, bago siya sumakay ng eroplano. Alam natin parehong panalo ka na, kaya huwag ka nang magmalaki.
Pero mahirap para kay Abe na hindi maging "ma-ere." Lalo na dahil limang mayayamang mga bansa ang nagpataasan ng alok para sa kanya at sa kanyang mga ideya.
Sa kanilang lahat, Japan ang pinili niya.
Simple lang naman ang dahilan: Japan ang pumayag sa karamihan sa mga demanda niya. "Hiling" ang tawag niya sa mga ito, "requests" - pero sa sobrang taas ng mga "hiling" niya, para na rin niyang ginawang hostage ang mga ideya niya.
At hindi niya isusuko ang hostage niya kaninuman, kundi sa taong magbibigay ng best offer.
Hindi ito bago kay Abe. Matagal na siyang pinag-aagawan ng tech companies sa iba't ibang panig ng mundo - pataasan ng bayad per project. Sanay na siyang mang-hostage ng talento niya. In fact, bihasa na siya sa negotiations. Kabisado na niya kung paano hindi madehado sa kontrata.
Pero ito ang unang pagkakataon na lilipat siya ng tirahan para sa isang project. Dahil ito ang pinakamalaki at pinaka-confidential na project na naibigay sa kanya.
Ganoon kalaki ang project. Ganoon kalaki ang bayad.
Kaya't ganoon din kalaki ang ulo ni Abe.
***
Napapangisi siya habang nagsasalita si Dr. Yoshizawa, presidente ng TKSC.
Magagalit sa kanya si Eli kung narito iyon. In-imagine na lang niyang siniko siya ni Eli, para mabura niya ang ngisi maski wala rito ang kaibigan.
Sinabi rin sa kanya ni Eli na dapat ay diretso siyang umupo, hindi nakasalampak at nakabukaka na tulad ng nakasanayan niya. Kailangan patag ang mga palad sa hita. Kailangan magalang. Pilit niyang ginagawa ang lahat ng ito. Dahil kung hindi, bukod sa mawala na ang deal, ay baka magkasamaan pa ng loob.
Kasama ni Dr. Yoshizawa sa "final interview" ang mga research heads ng TKSC, na research hub ng JAXA, ang Japan Aerospace Exploration Agency (may ibang pangalan ito sa Japanese, pero ipinapaubaya niya kay Eli ang lahat ng bagay na may kinalaman sa wikang Hapones).
Si Dr. Yoshizawa lang ang nagsasalita.
"The truth is, we don't hire many foreign researchers." Seryoso ang boses. Malalim. Parang nakatatandang propesor na nagle-lecture sa kolehiyo. "Those we do hire, are understood to be very, very good. Better than what we have in our local manpower pool, in which are already some of the best and brightest minds in the world."
Aral daw sa Harvard si Dr. Yoshizawa. Dating aeronautics engineer, hanggang madiskubre siya at ma-recruit ng JAXA. 30 years nang nagtatrabaho sa space industry ng Japan.
Pero kailan ba na-intimidate si Abe ng mga ganitong bagay?
Nasa late 50s o early 60s ito, malaking tao at balbas-sarado, na sa pagkakaunawa ni Abe ay hindi karaniwan para sa mga lalaking Hapon. Intimidating talaga. Pero marami nang intimidating na taong nakaharap si Abe sa buhay niya. Si Abe rin, sabi ng iba, may pagka-intimidating... lalo na pag pera ang pinag-uusapan.
"You understand there must be certain... compromises that need to be made on paper."
Tumango nang bahagya si Abe.
"That's why your responsibilities and pay grade are those of a project head," pagpapatuloy ni Dr. Yoshizawa. "but your official status is 'senior researcher,' and your pay slips will reflect one figure, though your private bank account will another, less understated." Ahem. Pagkatapos ay maingat at mas mabagal na, "I hope that will not be an issue?"
"It won't," mabilis na tugon ni Abe. "I don't care what's on paper. What matters is how much you pay me."
Nagtinginan ang researchers. Bagamat hindi lahat sa kanila ay bihasa sa Inggles, lahat sila ay nakakaunawa nito.
Kita ni Abe sa mukha nilang hindi sila tuwa sa sinabi niya. Pero wala naman sa kanya kung may "amor" sila sa kanya o wala.
Ahem ulit, mula kay Dr. Yoshizawa. "We are aware that your motivations are primarily..."
"Mercenary." Napangisi siya ulit. "Let's not mince words."
Tumango si Dr. Yoshizawa. "Then I won't mince words: if anyone knew how much you were actually getting - you, a foreigner, who has never climbed corporate ranks or is even academically accomplished - there will be discontent. And one we simply cannot afford to have at this crucial stage of project development." Lalong naging seryoso ang tono ng boses. "So, we will rely on your word that you will keep the details of your employment confidential."
"Of course." Medyo nawawalan na si Abe ng pasensiya. Hindi ito ang unang pagkakataong may nagbabala sa kanyang hindi siya dapat maging hambog o maging masyadong pansinin. Alam na niyang lahat iyon. "I have signed all the documents you want me to sign, including over a dozen different confidentiality agreements. I have read them all, and I know what I'm getting into. I will do my part, if you will do yours."
...pero mahirap talagang kontrolin ang yabang. Kung gusto Japan na magtrabaho si Abe para sa kanila, kailangang alam nila iyon sa simula pa lang.
Alam mo bang pinakaayaw ng mga Japanese ang mayabang? sabi ni Eli minsan. ...saka ang burara. Sabay pulot ng gamit na sandong nakasampay sa TV.
Kung nabagabag si Dr. Yoshizawa ng pag-uugali ni Abe, hindi ito nagpakita. Tumayo lamang ito, at iniabot ang kanang kamay.
"Very good," sabi nito. "Then, welcome to the research team of the TKSC."
Tinanggap ni Abe ang kamay ni Dr. Yoshizawa. Gayundin ang kamay ng ibang research heads.
Sa araw na iyon, binigyan siya ng tour sa TKSC, at nakita niya ang lugar na pagtatrabahuhan niya sa susunod na 3 taon.
***
At sa gabi ring iyon, umuwi si Abe sa Pilipinas para sabihin sa mga kaibigan niya ang balita.
(tbc)